Thursday, January 27, 2011

The 7-11 Experience

December 28, 2010 Afternoon

Sa wakas! Napanood ko na ang Father Jejemon (for further reading on my Father Jejemon experience, please wait for my next blog). 'Di mapinta ang aking mukha sa sobrang kasiyahan. Talagang hindi ako na-disappoint ni Idol Dolphy.Tulad lang ng mga ibang blog ko, magsisimula na naman ang ating istorya  sa aking paglalakbay papunta sa Post Office para makasakay sa "No-Line FX Terminal". Dahil ako ay walang hiyang namasko noong Pasko, pinili kong gastusin ang aking pera sa 7-11. Malapit na ako sa 7-11 nang mapansin ko ang isang lalaki (na medyo gusgusin) na nakaupo sa harap ng pintuan ng nasabing 24-hour store.

Nang may papapasok na babae, binuksan niya ang pintuan. Pasok si babae without saying "thank you" at di man lang tumingin kay Kuya. Ako naman ay nag-ala observant ng mga ilang minuto at sinabing, "Hmmm... Interesting."

Interesting talaga. Bakit niya binubuksan ng pintuan ang sino man na pumapasok sa 7-11? Naghihintay ba siya ng kabayaran? ng Thank You? o ngiti? Sa kalukuyang estado ng society: 1. Bihira ka na makakita ng taong nagbubukas ng pintuan para makapasok ang ibang tao, at 2. wag na nating i-expect na ni-thank you ay mabibigay nila para kay Kuya.Pero bago ko masagot ang mga katanungan sa aking isipan, tumunog na ang aking tiyan. Gutom na gutom na ako. Kaya nag-decide na akong maexperience mapagbuksan ng pintuan.

As expected, binuksan ni Kuya ang pintuan pagkakitang-pagkakita pa lang sa akin. Ako'y natuwa kaya naman nag-desisyon uli ako: Hotdog Sandwich para kay Kuya.

Para sa aking sarili, bumili ako ng pagkasarap-sarap na Knick Knack Milk Flavor at napaka-refreshing na Propel (Oo. Nag-eendorse talaga ako). Para naman Kuya, bumili na din ako ng Hotdog Sandwich.

Lumabas na ako sa 7-11. As usual, binuksan ako ng pintuan ni Kuya. Ako'y nagpasalamat at inabot sa kanya ang Hotdog. Halatang nagulat si Kuya. Kinuha niya ang Hotdog na alok ko sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni Kuya.

Sephiro- Kuya, ano pong pangalan niyo?

Honestly, hanggang ngaun, di ko maalala ang pangalang ni Kuya. Basta ang 1st syllable ng name niya ay "Ko". Mala-Rumpelstiltskin kasi ang name niya.

Sephiro- Bakit niyo po binubuksan ang pintuan 'pag may napasok?

Kuya Ko- Eh wala naman akong trabaho eh. Wala na din naman akong pakinabang kung saan. Kaya kahit sa simpleng paraan, may nagagawa naman akong mabuti. Kung may magbigay ng pasasalamat, maraming salamat din. Kung wala, 'di na importante yun.

Wow!!! Nagulat ako dun. 'Di ko akalain na ganun kalalim ang sasabihin niya. Nakakagulat lang isipin na ang isang tao na tulad ni Kuya Ko ay may ganun siyang "purpose-searching". Well, kahit naman napakababaw ang purpose na nahanap niya, it's still noble in it's own right. Tumayo na ako at nagsabi ng "Happy New Year".

>Sephiro Out<

Barong: sa panahon ng Polo Shirts

Ako ay isang English major sa Pamantasang Normal ng Pilipinas pero ang blog na ito ay nangangailangan ng lenggwaheng Filipino.Ang mga pangyayari sa nasabing panahon ay naganap kaninang gabi (mga alas otso) habang ako ay naglalakad mula SM Manila hanggang sa Post Office upang makasakay pauwi sa ParaƱaque. Kakatapos lang namin mag-celebrate sa KFC dahil kami ay nanalo (1st runner-up) sa PNU Departmental Chorale Competition. Sa aking kagustuhan na malaman kung ano ba ang reaksyon ng mga tao kapag nakakita sila ng taong naka-Barong, hinde na ako nagbihis pang muli ng civilian: naka-Barong pa rin ako. Mula pagpunta sa SM Manila, pagkain sa KFC, at pauwi hanggang ParaƱaque, inobserbahan kong mabuti ang mga titig, reaksyon, at mga bulong ng mga tao na naka-saksi sa aking...uhmmm...pananaliksik/kalokohan.

Ang Barong Tagalog ay ang pormal na damit ng mga Filipino. Sumikat ito bilang isang pormal na damit dahil kay Ramon Magsaysay, na sinusuot ito sa kanyang opisyal at personal na aktibidad. Ang literal na pagkakasalin sa Barong Tagalog ay "damit na Tagalog". Mula sa nasabing pagkakasalin, masasabi nating isa sa mga identity natin ang nasabing damit kaya naman ako nadismaya sa mga reaksyon ng mga tao sa pagakakita sa akin. Ito ang mga tao na iyun:

1. Si 25-ish year old woman sa 7-11

Siya ang pinakaunang nag-verbal reaction sa aking kasuotan, pero sa kanya ako pinakanadismaya. Pagkalagpas ko sa kanya, sinabi niya na, "Mukha namang tanga."

TANGA. Yan ang salitang ipinanglarawan niya para sa kasuotan ko (o marahil sa akin). Mukhang tanga ang isang tao na suot-suot ang tatak ng bansa natin: ang Barong. Mukhang tanga ang identity ng Pinas...mukhang tanga.Yan na ba ang pagtingin ng ibang tao sa kasuotan ng kanilang lahi.

2. Si Loverboy

Habang papunta na ako sa...uhmm... "no line FX Terminal" malapit sa Post Office, ako ay dumaan sa Fountain sa harap ng Post Office. Sa tabi ng napakagandang presentasyon ng fountain, nakita ko sa tabi ang 2 magkasintahan na...uhmm...naglalap....teka lang, may mas magandang salita pa dun eh. AH! Nakita ko sa tabi ang dalawang magkasintahan na naghahayag ng kanilang pag-ibig sa isa't isa. Tingin sa akin si Loverboy at sabi sa kanyang kasintahan, "Tignan mo yun...d magkakagirlfriend yun (sabay pagpahayag ng PAG-IBIG!)"

Kahit ako ay medyo natamaan sa nasabi ni Kuya, ang pumasok sa isipan ko ay, "wag lang sana ang kasintahan mo ang ibaon mo sa iyong mga labi, sana pati ang iyong bayan din. At wag lang sa labi, sana pati sa puso." 


3. Si Friend-of a-Friend-of-Mr. Barker sa Post Office

Ayan! Nakapunta na ako sa "No Line FX Terminal" na malapit sa Post Office. Pagdating ko dun nakita ko si friend-of a-Friend-of-Mr. Barker. Pagkakita niya sa akin, sabi niya kay Mr. Barker, "Patay na pala ang susunod na sasakay sa yo."

PATAY. Sila lang pala ang may karapatan magsuot ng Barong Tagalog. Kung ganun, gusto ko nang mamatay para masuot ko ang damit na pinagmamayabang ng ating mga bayani.

Ang Barong Tagalog.

Wag sanang kalimutan
Kung saan tayo nanggaling.
Para saan ba ang pagbabago
kung wla dn naman mararating?

Patay nga lang ba
ang makakasuot?
Ang damit ba na ito
ay binaon na sa limot?

Juan dela Cruz,
pag-isipan mo po:
Ito bang Barong?
o itong shirt na Ecko?